Kahalagahan ng Hustisya

Napaka halaga ng hustisya sa bansa dahil kung walang hustisya magiging magulo ang ating bansa magiging laganap ang krimen sa ating bansa.Kahit sa mga panahon ngayon na mahigpit ang batas ay laganap parin ang krimen sa bansa pano na kaya kung walang batas.
Ang hustisya ay pantay para sa lahat. Iyan daw ang pamantayan ng isang malayang bansang demokratiko. Pero tunay nga kayang pantay ang hustisya sa ating bansang Pilipinas? Sa palagay ko ay hindi. Maging ang karamihan sa mga Pilipino ay kayang beripikahin ang hindi pantay na hustisyang umiiral sa ating bansa. Kung ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan, awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis, pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan.
Ganon lang kasimple. Wala ng kung anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa .

Bigyan natin ng hustisya ang mga kababayan nating nakulong at namatay ng wala namang kasalanan marami sa kanila ang nag hihirap dahil sila ay napag bintangan lamang huwag nating hayaan na sila ang mag dusa para sa kasalanang hinde namn nila ginawa.